top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Horoscope | Agosto 23, 2019 (Biyernes)

Maestro Honorio Ong
Aug 23, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 23, 2019 (Biyernes): Marami ang gagamit sa iyo para sila ay magpayaman, pero mauuna kang yumaman kapag nagsarili ka at hin¬¬di na nagpagamit pa.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nasa tapang at lakas ng loob ang mga suwerte mo. Huwag kang aatras, sugod ka lang nang sugod kahit pa ano ang iyong maranasan. Sa huli, ang yaman mo ay hindi na masusukat. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-10-14-20-24-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Simple lang ang pampasuwerte mo. Diligan mo ang iyong mga halaman kahit pa ang mga ito ay nabasa sa ulan. Puwede ka ring bumili ng bagong halaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-14-16-29-30-32.

GEMINI (May 21- June 20) - Umawit ka kapag nag-iisa ka. Bakit? Ito ang susi mo para mabuksan ang maraming oportunidad na mas lalo pang magpapaganda sa iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-16-21-28-29.

CANCER (June 21- July 22) - Gumawa ka ng kabaitan sa kahit kanino sa araw na ito dahil ito ang paraan para magbalikan ang mga suwerte mo sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-17-27-30-35-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang maghiganti sa gumawa sa iyo ng pagkakamali. Pigilan mo ang iyong sarili dahil ang susi para magpasukan sa buhay mo ang mga suwerte ay ang hindi paghihiganti. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-9-18-21-33-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumuha ka ng aral sa buhay na naranasan ng iba. Isabuhay mo at magugulat ka dahil ang mga suwerte ay mag-uunahang dumapo sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-13-14-19-22-31.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Muli mong gamitin ang nagamit mo ng kasuotan dahil magugulat ka, ang magagandang kapalaran na iyong pinakaaasam-asam ay mapasasaiyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-11-18-20-28-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dumating na ang takdang panahon para makipagkaibigan ka sa iyong mga bagong kakilala. Kapag dumating ang mga takdang panahon, ang tao ay sobrang sinuwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-10-26-39-41-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) – Matatapos na ang iyong kalungkutan. Ang mga kaligayahan ay iyo nang mararanasan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-17-20-24-33.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gamitin mo ang lumang bagay na buo pa. Ito ang magsisilbing susi ng iyong magagandang kapalaran. Ito rin ang panlaban mo sa masasamang puwersa sa iyong paligid. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-19-25-31-37-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kapag malaya ka, susuwertehin ka. Kaya huwag kang magpapasakal sa ibang tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-19-22-25-38-39.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang magalit, huwag ka ring mainis. Habaan mo ang iyong pang-unawa. Mahirap mang gawin, pero ito ang magsisilbing pampasuwerte mo sa buhay. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-17-20-24-26-35-38.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page