top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Convicted rapist at murderer ‘pag pinalaya | MGA DRUG LORD, NEXT

Jeff Tumbado / Gina Plenago
Aug 23, 2019
2 min read

DELIKADONG makalaya na rin nang maaga ang mga drug lord na nakapiit matapos masentensiyahan kung mapagbibigyan na makalaya si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay House Committee on Justice Vice-Chairman Rep. Alfredo Garbin, Jr., nakababahalang senaryo na kung magpapakabuti lang ang mga convicted drug lord ay pupuwede na silang makalaya nang hindi pa buong napagsisilbihan ang sentensiya.

Kasabay nito, ipupursige ang resolusyon na layong imbestigahan kung naipatutupad nang tama ang Republic Act 10592 na nagbibigay ng good conduct time allowance sa mga bilanggo.

Ayon kay ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap, sumulat sila kay Justice Sec. Menardo Guevarra upang mapag-aralan munang mabuti bago maigawad kay Sanchez ang maagang pagpapalaya, gayundin sa may 11,000 bilanggo na plano ring bigyan ng good conduct time allowance.

Ani Yap, nakikita ngayon ang mga butas ng batas at dapat ay hindi lahat ng uri ng krimen ay isama sa makakapag-avail ng good conduct time allowance.

BuCor: SANCHEZ, MALABONG MAKALAYA

NILINAW ng Bureau of Corrections (BuCor) na maaaring hindi pa makakalaya si Sanchez.

Ayon kay BuCor Director General Nicanor Faeldon, kailangan pang i-review ang kanyang good conduct time allowance.

Nakadiskubre ng P1.5 milyong halaga ng iligal na droga sa kanyang selda noong 2010. Nabuko rin na may flat screen television at air-conditioning unit sa kanyang selda noong 2015. Dagdag pa ni Faeldon may mga kinasangkutan din si Sanchez na nagpapakita ng hindi kagandahan ng kanyang pag-uugali habang nasa kulungan. Maaari pa nga ayon sa BuCor chief na hindi mag-qualify si Sanchez na makalaya.

Dagdag pa ni Faeldon, si Sanchez ay kasama pa rin sa computation sa 11,000 preso na sumasailalim sa good conduct time allowance.

“Pero, malabo siyang makalaya dahil may bad rekord ito sa loob ng Bilibid” ayon sa opisyal.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page