top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

BuCor Director Faeldon, biglang-bawi, 'di pa raw sure na lalaya si Mayor Sanchez

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2019
  • 2 min read

FAELDON, LABAN-BAWI SA PAGPAPA­LAYA KAY EX-MAYOR SANCHEZ — Naglaban-bawi si Bureau of Correction (Bu­Cor) Director Nicanor Faeldon sa isyung pagpa­palaya kay dating Cala­uan, Laguna Mayor Antonio Sanchez na nasentensiya­han ng pitong reclusion perpetua kaugnay sa kasong kidnaping, rape-slay at double murder sa dalawang UPLB students noong 1993.

Noong una, ang sabi ni Faeldon ay makalalaya na si Sanchez dahil pasok daw ito sa ipinaiiral na “reduced prison term” ng Supreme Court (SC), pero nang makatikim siya ng pambabatikos mula sa publiko, nag-iba na ang tono nito na kesyo hindi pa raw siguradong makalala­ya ang ex-mayor, boom!

◘◘◘

KAPAG NAKALA­YA SI EX-MAYOR SANCHEZ, ANG GA­LING NAMAN NG ABOGADO NIYA—Kung sakaling makalaya si ex-Mayor Sanchez, aba, ang galing naman ng abogado nito.

Mantakin n’yo, ang bigat ng mga kinasangkutan niyang kaso, bukod sa nakumpiskahan pa siya ng shabu sa Bilibid noon ay heto, pinag-uusapan na ngayon ang nalalapit niyang paglaya.

Siyanga pala, para sa kaalaman ng publiko, isa sa mga naging abogado noon ni ex-Mayor Sanchez sa mga kaso niyang ito ay Presidential Spokesman Salvador Panelo, buwisit!

◘◘◘

PARANG MAHI­RAP PANIWALAANG WALA NANG “PORK BARREL”—Parang nakapahirap paniwalaan ang sinabi ni House Speaker Alan Peter Caye­tano na sa kanyang pamu­muno sa Kongreso ay wala na raw matatanggap na pork barrel ang mga kongresista.

Napakaimposible kasing pumayag ang mga kongresista na wala na silang matatanggap na Prio­rity Development Assistance Fund (PDAF) kasi karamihan sa mga ‘yan, kaya kumandidatong congressman ay para magka­roon ng P100 milyong yearly pork barrel, boom!

◘◘◘

NABUWAG NA “TASK FORCE MA­VERICK”, GINAGA­MIT SA “PAYOLA COLLECTION”—May mga “tongpats” collector daw na nanghihingi ng “payola” sa mga iligalista sa buong bansa gamit ang “Task Force Maverick” ng PNP.

Aba teka, matagal nang nabuwag ang “Task Force Maverick”, eh, bakit may mga nangongotong pa gamit ang task force na ‘yan? Buwisit!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page