BEERMEN, SASABAK SA MACAU SUPER LEAGUE
- BULGAR

- Aug 23, 2019
- 2 min read

BILANG bahagi ng kanilang paghahanda, nakatakdang lumaro ang San Miguel Beermen sa Terrific 12 East Asia Super League sa Macau sa darating na September 17-22, kung saan kalahok din ang TNT KaTropa. “Kasama na rin ito sa gagawin naming paghahanda para sa PBA Governor’s Cup,” ayon kay SMB coach Leo Austria nang magsalita sa 36th Usapang Sports ng Tabloid Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila kasabay ng pag-asam na makumpleto ng team ang natatanging triple crown, o grand slam sa PBA ngayong taon matapos masungkit ang ikalawa nilang kampeonato sa Commissioner’s Cup laban sa TNT KaTropa.
“‘Yun na talaga (Grandslam) ang target namin ngayon. Pipilitin talaga namin na manalo uli ng isa pang championship para maka-grandslam. Malaking karangalan ito para sa aming lahat,” dagdag pa ni Austria. “This will be our legacy,” ayon kay Austria, na walong ulit nang nagbigay ng korona sa SMB mula nang maging coach noong 2014. Tiniyak ni Austria, na naging three-time Baby Dalupan “Coach of the Year” awardee mula 2015-2017, na hindi magiging madali ang kanilang kampanya para sa ikatlong dikit na titulo. “Gaya nga ng lagi kong sinasabi, hindi ito madali. We have to take it one game at a time. A lot of teams are very and they will surely try to stop us to complete the grand slam. But I keep on telling them na it will require a lot of hard work going to next championship simply because every team in PBA is trying to beat us and to block us in getting this historical event in our team,” paliwanag pa ni Austria sa forum na ipinalabas ng live sa Facebook ng Glitter Livestream. Naniniwala si Austria na my sapat na panahon ngayon ang Beermen para makapaghanda sa darating na PBA Governor’s Cup kumpara sa nakalipas na Commissioner’s Cup, kung saan naging No. 7 seed lang sila matapos ang elimination round.
Pinuri rin ni Austria si Terrence Romeo, na madaling nakapag-adjust sa mga kasama sa team at nagampanan ang kaukulang role sa playing court. “Sa totoo lang, lahat naman ng players, alam ang kani-kanilang mga role sa team kaya hindi kami nahirapang makabawi.” (MC)





Comments