Bebot inabuso sa tricycle
- V. Reyes
- Aug 23, 2019
- 1 min read

ARESTADO ang lalaking itinuturong suspek sa pang-aabuso sa babaeng may diperensiya sa pag-iisip sa loob ng tricycle sa La Loma, Quezon City.
Kinilala ni QCPD Director Police Brigadier General Joselito Esquivel, Jr., ang suspek na si Rendel Mancera, 29, tricycle driver. Nadakip ang suspek alas-3:30 ng madaling-araw matapos umanong halayin ang 20-anyos na dalaga.
Ayon sa ama ng biktima na miyembro ng Barangay Peace and Order Officer sa lugar, sakay ang suspek sa traysikel nang tawagin ang kanyang anak saka sapilitang isinakay at doon inabuso.
Nakita naman ni BPSO Napoleon Dagohoy sa kanyang mino-monitor na CCTV ang pag-uga ng traysikel at nang balikan ang footages ay nakita ang ginawa sa biktima.
Rumesponde ang mga taga-barangay para arestuhin ang suspek na kakasuhan ng rape.





Comments