3 sisters kulong sa droga
- V. Reyes
- Aug 23, 2019
- 1 min read

MAGKAKASAMANG nakapiit ang tatlong magkakapatid na babae na idinidiin sa umano’y pagtutulak ng iligal na droga sa Quezon City.
Bandang alas-7:00 ng gabi nang arestuhin sa anti-criminality operations ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga suspek na sina Carmie, 35; Honelyn, 29, at Marylyn Miranda, 27, pawang mga residente ng Bgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.
Nasamsam umano sa magkakapatid ang 10 sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na tatlong gramo at may street value na P20,400, gayundin ang tatlong cellular phones at mga drug paraphernalia.
Nabatid sa rekord ng pulisya na nadakip na rin sa drug operation si Honelyn at napalaya lamang dahil sa plea bargaining.





Comments