Wanted na killer, nasakote
Pabs Hernandez III
Aug 22, 2019
1 min read
ILOILO—Isang wanted na killer ang nadakip ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Bangkal, Carles.
Ang suspek ay nakilalang si John Michael Aranza, nakatira sa nabanggit na barangay.
Ayon sa ulat, inaresto ng mga awtoridad si Aranza sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong murder sa lalawigan.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin ng mga awtoridad sa nasabing lugar.





Comments