ROUSEY, MUNTIK NANG MAPUTULAN NG DALIRI SA SHOOTING


MUNTIK nang maputulan ng gitnang daliri ang dating UFC superstar at WWE champion na si Ronda Rousey habang nagsu-shooting sa Fox Show na “9-1-1” ayon sa ipinaskil niya sa Instagram.
Ipinakita rin niya ang larawan ng madugong parte ng kanyang daliring lubhang napinsala.
Sinabi ni Rousey na naipit ng pintuan ng yate ang daliri niya pero, nagpatuloy pa rin siya sa shooting na hindi tinitingnan ang kanyang kamay. Ang director na lamang ang nakapansin sa pinsala kaya itinakbo siya sa ospital. “I know it sounds crazy, but I’m used to live audiences and never showing pain unless I’m supposed to,” saad ni Rousey.
Doon na sa ospital idinugtong ng mga doktor ang parteng naputol sa daliri niya at nilagyan ito ng screws.
Nagbalik siya kinabukasan sa shooting at tinapos ang eksena bago siya nagpahinga. Tatlong araw lamang ay makababalik na siya sa trabaho. “Modern medicine amazes me,” saad ni Rousey.
Sa wrestling nahumaling si Rousey at nakagawa ng naturang pangalan sa professional fight. Pero huminto muna si Rousey, 32-anyos sa WWE matapos ang Wrestlemania noong Abril upang makapagpokus sa pamilya kung saan si Travis Browne na dating UFC fighter ang napangasawa niya.
Hindi malinaw kung babalik pa siya sa WWE. Tumigil na si Rousey sa UFC mula noong 2016 at sinabing retirado na matapos ang dalawang magkasunod na pagkatalo. (MC)





Comments