top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Resbak ng 17 senior officials | PAGGAMIT NI GARRIDO SA PAO LAWYERS, UNPROFESSIONAL AT UNETHICAL

  • Madel Moratillo
  • Aug 22, 2019
  • 1 min read

ISANG manifesto ang inilabas ng 17 regional public attorneys ng Public Attorney’s Office (PAO) upang kondenahin ang ginagawang pagsira sa kanilang hepe.

Sa nasabing manifesto, malinaw umanong demolition job ang nangyayari at isang black propaganda para sirain ang integridad ng PAO at mga opisyal nito.

Ang tinutukoy sa manifesto ay ang inihaing manifestation ni Atty. Wilfredo Garrido, Jr. sa Ombudsman kung saan ginamit umano nito ang pangalan ng mga abogado ng PAO.

Una na ring itinanggi ng nasabing PAO lawyers na naghain sila ng nasabing manifestation at iginiit na wala silang alam dito.

Ang ginawang ito ni Garrido ay pagpapakita umano ng pagiging unprofessional at unethical nito bilang miyembro ng Philippine Bar.

Bilang senior officials ng PAO, wala umano silang nakikitang korupsiyon sa kanilang office supplies tulad ng alegasyon ni Garrido.

Sagana umano sila sa resources para magawa ang kanilang mga mandato.

Itinanggi rin nila na nagagamit ang pondo ng PAO para pondohan ang mga ginagawang rally ng Samahan ng mga Magulang, Anak ay biktima ng Dengvaxia dahil wala namang kinalaman ang PAO rito.

May kakayahan anila ang grupong ito para makalikom ng pondong gagamitin para sa kanilang mga rally.

Ang mga regional public attorney na ito ay mula pa sa iba’t ibang lalawigan at lumuwas lamang para ipakita na buo ang kanilang suporta kay Acosta.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page