Pinasok sa bahay | VICE-MAYOR BINARIL SA ULO, TODAS
- Levi Gonzales
- Aug 22, 2019
- 1 min read

PATAY ang kasalukuyang bise-alkalde matapos barilin sa ulo sa Santol St., Calmar Homes Subd., Bgy. Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon.
Alas-8:40 ng gabi, nagpapahinga sa loob ng kanyang bahay ang biktimang si Sergio ‘Popoy’ Francisco Emprese, 60, vice-mayor ng San Andres, Quezon nang pasukin ng nag-iisang suspek saka ito binaril nang malapitan sa ulo bago tumakas.
Nadala pa sa pagamutan ang biktima subalit, binawian din ng buhay. Inaalam pa ang motibo sa krimen at ang nasa likod ng pagpatay.





Comments