top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga komyuter at motorista, dapat magkaroon ng disiplina!

  • Isko Moreno
  • Aug 22, 2019
  • 1 min read

NAKAKATUWA ang mga isinasagawang clearing operations ngayon sa iba’t ibang parte ng Metro Manila at pati na rin sa mga probinsiya. Malaking tulong ito upang maibsan ang problema sa trapiko, lalo na ngayong nalalapit na naman ang “ber months” kung saan asahan natin na lalong bibigat ang problema sa trapiko.

Bagama’t, marami na ang mga proyekto na kasalukuyang ginagawa tulad ng Skyway 3 at iba pa, naniniwala tayo na ang maayos at epektibong public transport system lang ang pangmatagalang solusyon sa suliraning ito. Nakita natin ito sa Hong Kong, Korea at iba pang bansa na may maayos na daloy ng trapiko.

Hindi maitatanggi ang hirap na dinaranas ng mga empleyado at mananakay ng MRT/LRT at bus kaya sana ay madali itong masolusyunan.

Sa ngayon, pasensiya at pang-unawa pa ang kailangan natin sa pagtitiis sa mga susunod pang taon. Nawa’y pairalin din ang disiplina sa mga mananakay man o motorista.

Magtulung-tulong tayo at huwag nang dagdagan pa ang lumalalang problemang ito. Sumunod tayo sa batas-trapiko at mag-ingat palagi sa ating pagmamaneho!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page