top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Horoscope | Agosto 22, 2019 (Huwebes)

Maestro Honorio Ong
Aug 22, 2019
2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 22, 2019 (Huwebes): Napaka­taas ng maaabot mo sa buhay. Huwag na huwag mong kalilimutan ang payo na dapat ay nakasayad ang iyong mga paa sa lupa nang sa gayun ay tuluy-tuloy kang umasenso.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ka da­pat makun­ten­to sa naabot mong kalagayan sa buhay. Ipinaaalala ng iyong ka­pa­laran na hindi para sa iyo ang sinasabing dapat makuntento ka sa kung ano ang mayroon ka nga­yon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-20-23-28-35-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Lumilikha ang langit sa araw na ito ng ba­gong landas ng buhay kung saan hindi mabibi­lang ang mga oportunidad na sasa­lu­bong sa iyo. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masu­werteng kulay-white. Tips sa lotto-19-21-24-29-30-33.

GEMINI (May 21- June 20) - Bawat galaw mo sa araw na ito ay aangat ang iyong buhay. Kahit nga ang galaw mo na pa­rang mali at wala sa ayos ay mag­reresulta pa rin sa pag­ganda ng iyong kapa­laran. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-7-10-14-22-24-36.

CANCER (June 21- July 22) - Ihanda mo ang iyong sarili sa napa­kagandang okasyon na da­rating sa buhay mo. Mag­sasaya ka dahil sa mga su­werteng mapasasaka­may mo. Maging positibo ka! Ma­suwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-28-30-31-39-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Iwa­san mong ma­ging mapag­malaki sa harap ng kapwa mo. Totoong may maipagmamalaki ka at ito ay marami. Ipinapayo na sarilinin mo na lang ito at sa iyong pag-iisa, ipag­ma­laki mo. Masuwerteng ku­lay-purple. Tips sa lotto-15-20-21-25-39-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Halukayin mo ang magagan­dang ideya na matagal na sa iyong isipan. Ngayon mo kailangang ga­mitin ang mga ito nang sa gayun ay mapabilis ang pag­ganda ng buhay mo. Masu­werteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-22-26-34-36-43.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mababawasan ang ganda mo kapag tinalo ka ng galit. Kapag ang nag­hari sa iyo ay pag-ibig, mas gaganda ka pa kaysa sa gan­da mo ngayon. Ito ang men­sahe para sa iyo. Masuwer­teng kulay-beige. Tips sa lotto-2-8-25-28-30-37.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nakagu­gulat ka dahil makikitang mas maraming oras ang nako­konsumo mo sa sarili mo. Hindi ito masama dahil mas nakabubuti ito sa iyo. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-19-20-25-41-45.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Kung ano ang gusto mo, gawin mo na ngayon. Nakahanda ang langit na bigyan ito ng katuparan kahit may pag­kaimposible o mahirap mangyari. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-20-24-29-32-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mag-ingat ka sa pagsa­sa­lita, kung pu­wede ay huwag kang mag­salita ng masama sa iyong kapwa dahil ngayon, ang iyong mga sasabihin ay magkakatotoo. Masu­wer­teng kulay-violet. Tips sa lotto-16-18-21-27-39-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumala­kad ang kala­basa at naiiwan ang bunga. Ang kahulu­gan nito ay kung saan-saan ka makararating at kung anu-ano ang iyong gagawin at babalewalain mo ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-5-16-27-39-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makipagsapa­laran ka at ang panalo ay ma­pasasaiyo. Ang payo ay ta­tagan mo ang iyong kaloo­ban. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-17-22-27-31-37-43.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page