Hindi lang pampaganda ng buhok at balat... LANGIS NG NIYOG, MABISANG PAMPAPUTI NG NGIPIN
- BULGAR
- Aug 22, 2019
- 2 min read

KUNG health benefits lang din naman ang pag-uusapan, malamang, nangunguna ang coconut oil d’yan! Sa panahon ngayon, hindi kailangang mahal ang magpaganda dahil usung-uso na ang iba’t ibang natural o organic na produkto upang maging maganda. Alam ba ninyo na ang coconut oil ay good sa pagpapapayat? Mayroon kasi itong taglay na healthy fats at natural antioxidants, pero wait, hindi lang ‘yan dahil marami rin itong ‘beauty perks’ tulad ng mga sumusunod:
1. HAIR MASK. Malaki ang naitutulong nito upang hindi maging dry ang buhok dahil nagagawa nitong maging healthy ang bawat hibla ng ating ‘crowning glory’. Ibabad lamang ang coconut oil sa loob ng 20-30 minuto at banlawan pagkatapos. Maaari itong gamitin kada linggo bilang hair mask.
2. BODY MOISTURIZER. Okay itong gamitin bilang alternative sa lotion, nagwo-work ito sa dry skin at maging sa sensitive skin. Ang paggamit nito sa balat ay epektibong paraan upang magkaroon tayo ng ‘healthy glowing skin’. Make sure lang na paunti-unti lamang ang paggamit upang maiwasan ang greasy feeling at pagmamantika ng balat.
3. BRONZING OIL. Gamit ang coconut oil, puwede rin nating ma-achieve ang tan skin na ‘in’ kapag summer. I-apply lamang sa balat ang katamtamang dami bago ma-expose sa init ng araw. Isa pa, oks din itong gamitin ng mga nagpa-tan upang manatili ang kanilang ‘summer skin color’. Paalala na bagama’t, puwede itong maging alternative sa lotion, hindi ito kering pamalit sa sunscreen.
4. NATURAL LIP BALM. Gamit ang coconut oil at iba pang ingredients, makagagawa tayo ng DIY lip balm para sa ating nanunuyong mga labi. Kumuha lamang ng maliit na lalagyan at paghalu-haluin dito ang coconut oil, kaunting patak ng avocado o argan oil at ‘yun na, may instant lip balm na tayo. Kung may matira man, maaari natin itong ilagay sa freezer upang magamit pa.
5. DENTAL DETOX OIL. Hindi lang pang-moisturize ang kayang gawin ng coconut oil sa atin dahil puwede rin itong alternatibong mouthwash. Ipangmumog ito sa loob ng ilang minuto upang tuluyang maalis ang toxins o dumi sa mga ngipin at gums dahil mayroon itong natural na antibacterial at anti-fungal property na mabuting panlaban sa harmful microbes. Isa pa, good din itong pampaputi sa ating mga ngipin.
Hindi natin kailangang gumastos para sa regular na pagpunta sa salon, derma center o bumili ng mamahaling beauty products dahil keri nating maging feeling pretty gamit ang coconut oil na winner ang health benefits, siguraduhin na magandang uri ang ating gagamitin tulad ng virgin coconut oil o hangga’t maaari ay ‘yung organic coconut oil. Tandaan, hindi imposible ang natural beauty!
Comments