Dahil mahal ang magpa-salon… MGA BENEPISYO NG ITLOG SA BUHOK
- BULGAR

- Aug 22, 2019
- 2 min read
No Problem

ISA ka ba sa mga problemado sa pagkakaroon ng super unhealthy na buhok? ‘Yung tipong sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, eh, napakahirap niyang ayusin, ‘yung halos na-try mo na ang lahat ng shampoo at conditioner, pero wa' epek, besh!
Dry, brittle, oily, ilan lang ‘yan sa mga karaniwang pinoproblema ng mga tao sa buhok. Pagdating naman sa anit, marami ring nagdurusa sa pagkakaroon ng makating anit na na-try na rin ang lahat ng mga anti-dandruff shampoo, pero wala ring nangyari. Kung isa ka sa mga taong nakararanas nito, para sa inyo ‘to, mga ‘tol!
Ayon kay Debra Rose Wilson, herbal medicine at complementary and alternative medicine expert, noong 11th Century nagsimulang gamitin ang egg yolk bilang hair treatment at pang-straight ng buhok.
Ano ang mga benepisyong naidudulot ng itlog sa buhok?
1. NAKAPAGPAPAHABA NG BUHOK. Sey ni Wilson, ang isa sa key elements ng eggyolk ay ang sulfur, isa sa mga pinakaimportanteng component ng buhok. 164.5 mg na sulfur ang taglay ng 100 grams na eggyolk kaya mainam ito para sa pagpapahaba ng buhok.
2. PANLABAN SA DRY HAIR. Paliwanag ni Janice Cox ng Natural Beauty at Home, ang eggyolk ay sagana sa fats at protina na mainam para sa moisturization habang ang eggwhite ay nagtataglay ng mga bacteria-eating enzyme na nakapagtatanggal ng unwanted oils. Dahil sa protina, puwede na nating ma-achieve ang shiny shimmering na buhok!
3. PAGKALAGAS NG BUHOK. Sabi ni Meenal Rajapet ng StyleCraze, maiiwasan din ang hair loss kapag gumamit ng egg dahil ayon sa kanya, pinatitibay nito ang hair roots at scalp.
4. SIRANG BUHOK. Ayon kay Cynthia Cobb, Dermatologist ng Women’s Health, ang eggyolk ay maituturing na “superfood ng buhok” dahil sagana ito sa vitamins na nakapagpapatibay ng buhok. Ilan sa vitamins na ito ay ang Vitamins A at E, biotin at folate. Dagdag ni Rajapet, ang lutein na taglay ng itlog ay nakatutulong upang mapanatili ang elasticity ng buhok. Dahil dito, maiiwasan ang pagkakaroon ng split ends kung maglalagay ng itlog sa buhok.
So, hayun, mga ‘tol! Now we know! Puwede pala nating ma-achieve ang magandang buhok sa natural na paraan nang hindi gumagamit ng anumang uri ng kemikal.
Amazing!




Comments