top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

BATANGAS, BASILAN AT IMUS, PUMUKPOK NG LARO

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 22, 2019
1 min read

NAKIPAGPUKPUKAN nang husto ang champion Batangas City sa bisa ng 16 puntos upang tuluyang gapiin ang powerhouse Bacoor, 87-86 sa MPBL Lakan Season sa Batangas City Coliseum.

Parehong naglatag ng double-double performances sina Jason Melano at Jeff Viernes noong Martes ng gabi upang ihatid sa Athletics ang madamdaming panalo sa sariling balwarte sa harap ng excited nilang fans.

Nakagawa si Melano ng 20 puntos at 13 rebounds, mga nakaw na galaw habang tinapos ni Mon Rogado sa game-winning layup ang bakbakan para ibigay sa Batangas ang ika-5 panalo sa walong laro sa southern division ng torneo. Ang pagkatalo ang ikatlo sa 11 laro para sa Strikers na lumagpak sa 3rd spot ng southern division ng MPBL.

Nagbalik ang sigla sa laro ni Viernes para sa Athletics mula nang hindi makalaro sa huling dalawang games. Ang 3 point basket niya ang tumarak ng 14-3 win-loss ng Batangas.

Sa unang laro, nakabatak ang Basilan at Imus ng mga panalo. Nakabawi mula sa masaklap na pagkatalo sa Makati noong nakaraang laro.

Samantala, produktibo ang mga players ng Steel at binugbog ang Navotas Clutch sa 113-94. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page