top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Base sa birthday at zodiac sign... MISIS NA IPINAGPALIT NG MISTER SA KABIT, MAKAPAG-AASAWA NA SA ABR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 22, 2019
  • 1 min read

Dear Maestro,

Nambabae ang mister ko nang mag-OFW ako sa Hong Kong noong 2017 kaya nagkahiwalay kami at ang nangyari ay tu­lu­yan na siyang sumama sa kerida niya.

Sa ngayon, dito ako na­kikitira sa mga magu­lang ko. Itatanong ko lang kung magkakabalikan pa ba kami ng mister ko at kung hindi na, may lalaki pa ka­yang darating sa bu­hay ko kahit may da­lawa na akong anak?

Balak kong mag-ab­road muli, may ikalawang pag-a-abroad ba sa aking kapalaran, kung mayroon, kailan kaya ito mangya­yari?

September 10, 1977 ang birthday ko.

Umaasa,

Roma ng San Jose, Licab, Nueva Ecija

Dear Roma,

Ayon sa zodiac sign mong Virgo, sa birth date na 1, (ang 10 ay 1+0=1) sa des­tiny number 7 (9+10+ 1977 =1996/ 19+96=115/ 11+5= 16/ 1+6=7) sadyang may ika­lawa at mas ma­bu­ngang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran at ito ay inaasahang magaganap nga­yong 2019 o kaya ay sa taong 2020, sa buwan ng Set­yembre hanggang Nobyem­bre, kaya kung mag-a-apply ka ngayon sa abroad, sigu­rado ang magaganap – may ikalawang mas mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong ka­palaran.

Kung saan ang destiny number mo namang 7 ay nag­sasabi ring muli kang makapag-aasawa sa ikala­wang pagkakataon at ang nasabing pag-aasawa ay ha­tid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Libra o kaya ay Taurus kung saan ang lalaking ito ay makikilala mo sa pangingibang-bansa at sa ikalawang pag-aasawang nabanggit, tuluyan ka nang uunlad at habambuhay na magiging maligaya.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page