Bagyong Ineng, hahataw
- V. Reyes
- Aug 22, 2019
- 1 min read

INAASAHANG lalakas pa ang Bagyong Ineng bagama’t, maliit ang pagkakataong tumama sa lupa.
Pag-iibayuhin din ng bagyo ang umiiral na Habagat kaya magiging maulan sa malaking bahagi ng bansa.
Sa huling ulat, bumagal ang pag-usad ng bagyo habang nasa silangan ng Southern Tagalog.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,155 km silangan ng Infanta, Quezon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na 55 kph at may pagbugsong 70 kph.





Comments