Wala na raw siyang magagawa ru'n… ANDREA, TINAWAG NA PANGIT, MATABA AT MALIIT NG NETIZENS, DEDM


SIKAT na sikat ngayon si Andrea Brillantes dahil sa serye niyang Kadenang Ginto na napapanood sa ABS-CBN tuwing Lunes hanggang Biyernes nang hapon.
Umabot na nga sa 1.8 million ang kanyang YouTube subscribers at sa Instagram account naman niya ay meron siyang 6.1 million followers.
Epektib ang pagiging kontrabida ni Andrea sa Kadenang Ginto, kaya no wonder na kung marami siyang fans, marami rin siyang bashers na ang paniwala siguro ay totoong bad si Andrea in real life.
Pero kesa patulan ang mga haters at bashers niya, ayon kay Andrea ay hindi na lang niya binabasa ang comments ng mga ito.
“‘Yun nga po ang mahirap. Minsan, gusto ko ang ginagawa ko, ipaglalaban ko, alam ko naman na hindi ko mapi-please ang lahat ng tao. Alam ko na may kani-kanya silang opinyon,” pahayag pa ng young actress.
Nu’ng una raw, apektado pa si Andrea sa mga panlalait sa kanya, pero ngayon ay dedma na lang siya.
“Minsan, may point sila. Minsan, hindi naman sila basher. Minsan, nagri-reach out ako ru’n pero du’n sa like ‘Ang pangit mo,’ ‘Ang liit mo,’ ‘Ang taba mo,’ wala na ‘kong magagawa ru’n,” katwiran na lang ni Andrea.
Pero habang bina-bash si Andrea, mas nabe-blessed naman siya. Tulad ngayon, bibida na sa sariling movie ang Kapamilya young actress, ang The Ghosting kung saan kasama niya ang Kapamilya actor na si Khalil Ramos.
Happy si Andrea na naibigay sa kanya ang horror movie na ito na showing na sa August 28 mula sa Reality Entertainment at directorial debut ni Joey de Guzman.
Dahil sa sunud-sunod na blessings na dumarating kay Andrea, excited siyang makakapagpatayo na siya ng kanyang dream house para sa kanyang pamilya.
Nice, ‘di ba?





Comments