top of page
WINNER - DEREK, ENDORSER NG ONLINE GAMBLING-IG _ramseyderek07.jpg

Tatay hinataw ng sagwan, dedbol

  • V. Reyes
  • Aug 21, 2019
  • 1 min read

PINAGPAPALO hang­gang sa mapatay ng kanyang sariling anak ang 53-anyos na lalaki nang awatin sa paki­kipag-away nito sa kanyang ina sa Bgy. Old Balara, Que­zon City.

Kinilala ni Police Lieute­nant Nick Fontanilla ang biktima na si Deomedes Gora Pines, construction worker at resi­dente ng Lu­zon Avenue. Naaresto naman ang suspek na si Dominic Vin­luan Pines, 24, binata.

Batay sa inisyal na im­bestigasyon, alas-6:00 ka­maka­lawa ng gabi nang mangyari ang insidente sa bahay ng mag-amang Pines.

Bago ang pagkakapas­lang, nag-aaway umano ang bik­tima at ang misis nitong si Mona sa harap ng kanilang bahay. Nang marinig ng sus­pek ang pagtatalo ng kan­yang mga magulang ay lumabas ito ng bahay at sinubukang awatin ang dalawa.

Gayunman, sa halip na magpaawat ang ama ay na­galit pa umano ito sa kan­yang anak at hinampas ng payong na siyang ikinagalit ng suspek. Dahil dito, kumuha ang suspek ng kahoy na sagwan at hinataw sa ulo ang kan­yang ama na duguang bu­mag­sak.

Naisugod pa sa East Ave­nue Medical Center ang naka­tatandang Pines subalit, namatay din dahil sa tina­mong matinding sugat sa ulo.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page