Rider dedo, 2 angkas sugatan sa aksidente
QUEZON—Patay ang rider habang sugatan naman ang dalawang angkas nito nang aksidenteng bumangga sa puno ang sinasakyan nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Balay-balay, Mauban.
Kinilala ang nasawi na si John Arthur, samantalang, ang mga sugatan ay sina Maria Renneth Diaz at Chris Eranista, pawang nakatira sa nasabing lalawigan.
Ayon sa ulat, nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho si Arthur habang kaangkas sina Diaz at Eranista kaya bumangga ang motorsiklong sinasakyan nila sa puno ng narra sa naturang lugar.
Dinala pa ng mga saksi ang mga biktima sa pagamutan, pero idineklarang dead-on-arrival si Arthur.





Comments