top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Nilapitan ng 2 lalaki tumangging magbigay ng pera | KELOT SINAKSAK

M. Santos
Aug 21, 2019
1 min read

MALUBHANG nasu­gatan ang isang lalaki ma­tapos saksakin ng dalawang lalaki makaraang tumang­ging magbigay ng pera sa mga suspek sa Malabon City, kamakalawa ng umaga.

Ginagamot sa MCU Hospital sanhi ng tinamong saksak sa katawan si Nido Gocatano, 30, ng Sta. Maria Bulacan.

Tinutugis naman ng pu­lisya ang suspek na nakila­lang si Adrian Reyes, nasa hustong gulang ng Karuha­tan, Valenzuela City at hindi kilalang kasabwat nito na nagsitakas matapos ang in­sidente.

Sa imbestigasyon nina PSSg. Mardelio Osting at PCpl. Michael Oben, pag­katapos uminom sa Prison Bar ay nagtungo ang biktima sa Lansones Road corner McArthur Highway, Bgy. Potrero alas-5:55 ng umaga.

Habang naghihintay, ni­lapitan ito ng mga suspek at hiningan ng pera subalit, tu­manggi ang biktima na na­ging dahilan upang magalit ang dalawa at sinaksak ito sa katawan.

Nagawang makatakbo ng biktima at nakahingi pa ng tulong sa pedicab driver na nagsugod sa kanya sa na­tu­rang pagamutan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page