top of page
BULGARY - LUCAS LORENZO, NA-BANNED DAW SA GOLF DAHIL SA SABLAY NA ASA-IG _juliabarretto.jp

Meaning ng “Duterte” sa online dictionary | SCAM, TRAYDOR, PEKE

  • Mylene Alfonso
  • Aug 21, 2019
  • 1 min read

SINOPLA ng Palasyo ang pagsama ng urban dictionary sa salitang “Duterte” na ang ibig sabihin ay scam, traydor, peke, low quality at iba pa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, posibleng ang mga anti-Duterte ang nasa likod ng naturang urban dictionary.

Depensa ni Panelo, ang salitang “Duterte” ay nangangahulugan ng honest, incorruptible, politically-willed person, courageous, selfless, honest, transparent at iba pang magagandang kahalintulad na salita.

Bubusisiin muna umano ng Palasyo kung ang tinutukoy ng urban dictionary na salitang “Duterte” ay si Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala ang Palasyo na maaaring fake news ang urban dictionary dahil base sa kanyang pagkakaalam, ang mga sikat na dictionary lamang tulad ng Webster ang kinikilala.

Ang urban dictionary ay isang online dictionary na nagsasagawa ng crowd sourcing para sa slang words at phrases na may mga kawili-wiling kahulugan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page