top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mag-utol tinodas sa birthday party

Paul Lamsen
Aug 21, 2019
1 min read

PATAY ang isang mag­ka­patid makaraang pagbabarilin sa birthday celebration ng kanilang kaibigan sa Sta. Maria, Ilocos Sur.

Kinilala ang mga nasawi na sina ‘Jomari’, 27, at ‘Mel’, 33, pawang mga naninirahan sa nasabing lugar.

Ayon sa imbestigas­yon, nagpaalam ang magkapatid na makiki­pag-inuman sa kaarawan ng kanilang kaibigan.

Alas-11:00 ng gabi, nakita na lamang si ‘Jomari’ na nakahandu­say sa kalye na wala nang buhay na may mga tama ng bala ng baril sa dibdib at ibang bahagi ng katawan.

Kinabukasan naman nang madiskubre ang bangkay ni ‘Mel’ na nakabaon malapit sa kanilang pinag-inuman.

Nabatid na matapos mag-inuman ay lumipat sila sa ibang lugar.

Pinaghahanap na ang mga salarin at inaalam ang motibo sa krimen.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page