top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Korupsiyon ang pundasyon ng mga partido, period!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 21, 2019
  • 2 min read

ANIBERSARYO ngayon ng pagbomba sa Plaza Miranda.

Malinaw ang record, komunista ang may kagagawan!

◘◘◘

ANIBERSARYO rin ngayon ng pagkamatay ni ex-Sen. Ninoy Aquino.

Tanging LP leader na wala sa Plaza Miranda nang bombahin, pero hindi siya nakaligtas sa asasinasyon!

◘◘◘

SA tinagal-tagal ng panahon, nananatiling isyu ang Liberal Party.

Nasapawan nito ang karibal sa two-party system na Nacionalista Party!

◘◘◘

MAGULO ang NP bagaman umaaktong lider ang mag-asawang bilyunaryo.

Sina House Speaker Alan Peter Cayetano, ex-vice-presidential candidate “Bongbong” Marcos at ex-Sen. Antonio Trillanes IV ay mga kabilang sa NP.

Silang tatlo ay NP vice-presidential candidate na tinalo ng nag-iisang LP na si Leni Robredo sa isang kaduda-dudang bilangan!

◘◘◘

NAKAMARKA sa LP ang pagiging oposisyon at hindi matukoy ang disposisyon ng NP dahil hindi naman nila itinitiwalag si ex-Sen. Trillanes para mamarkahan silang pro-Duterte.

Magulo ang NP, taliwas sa LP na may malinaw na liderato!

◘◘◘

Pero, hindi sapat ang liderato upang maging matatag ang organisasyon.

Kailangan pa rin ang malinaw na mithiin, misyon, direksiyon at disposisyon!

◘◘◘

SA U.S., malinaw na ipinakikita ang katatagan ng Democrats at Republican.

Hindi nakasalalay sa liderato ang political party, bagkus ito ay nakapundasyon sa prinsipyo, direksiyon, disposisyon at plataporma de- gobyerno!

◘◘◘

TUMITIWALAG ang mga miyembro ng Democrats at Republican kapag isinusuka nila ang prayoridad at plataporma ng kanilang political party.

Nananatiling matatag ang dalawang political parties kasi tumitiwalag o naglalayas ang sinuman sa mga pumapalag sa prinsipyo ng kanilang grupo!

◘◘◘

KAKAUNTI ang nakauunawa kung ano ang kahalagahan ng politika, partido o kilusang kinaaaniban.

Sumasali lang ang mga pulitiko sa grupo para sa kanilang personal na interest.

Kapag hindi sila makikinabang o mabibigyan ng poder o “pork barrel”, lalayasan nila ang partido!

◘◘◘

KORUPSIYON ang pundasyon ng LP at NP, ang mga haligi ang utak ng pandarambong sa kaban ng bayan kakutsaba ang kanilang mga miyembro.

‘Yan ang mapait na katotohanan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page