top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kapalit ng magandang buhay | 3 BATANG LALAKI, SEX SLAVE NI SIR

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 21, 2019
  • 1 min read

ARESTADO ang isang lalaki na umano’y nangmolestiya at ginawang sex slave ang tatlong batang lalaki na naiulat na higit isang buwan nang nawawala.

Sa report ng ABS-CBN, naibalik noong gabi ng Lunes sa Quezon City ang mga biktima na pawang edad 12 matapos umanong maalarma ang suspek na pinaghahanap na sila.

Ayon sa mga biktima, minolestiya sila ng lalaking kumupkop sa kanila kaya ikinasa ang paghuli sa suspek na natunton sa San Fernando, Pampanga.

Nakilala umano nila ang suspek malapit sa isang eskuwelahan kung saan niyaya umano silang maki­pag-inuman bago dinala sa Pampanga.

Ayon pa sa mga bata, pinangakuan sila nito ng ma­gandang buhay subalit, kalaunan ay tinatakot na at ayaw nang ibalik sa kani-kanilang pamilya. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page