top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Kahit marami ang namamatay | Pagtataas ng presyo ng baboy sa merkado, hindi dapat samantalahin!

Ryan B. Sison
Aug 21, 2019
1 min read

ADOBO, sinigang, nilaga at lechon, ilan lang ‘yan sa mga pagkaing puwedeng sang­kapan ng baboy na patok talaga sa mga Pinoy. Kaya kahit nakapagpapataas ng kolesterol, sige pa rin tayo sa paglamon. He-he-he!

Gayunman, nagbabala ang Department of Agriculture (DA) sa mga hog raiser o nag-aalaga ng baboy sa bansa na huwag saman­talahin ang pagtaas ng porsiyento ng pagka­matay ng mga ito para itaas din ang presyo sa mga pamilihan o merkado.

Ito ay dahil ayon kay Agriculture Secre­tary William Dar, sapat pa rin umano ang supply ng karne ng baboy, kaya hindi magi­ging ma­katwiran kung ito ay magmamahal, lalo na ngayong hindi na alam ng mama­mayan kung paano pagkakasyahin ang pera sa ka­nilang mga gastusin sa araw-araw.

Gayundin, nakatutuwa na tutulong ang grupong Samahang Industriya ng Agrikul­tura (SINAG) sa pamahalaan para matiyak na mananatiling stable ang presyo ng karneng baboy at walang makalulusot na mga pasa­way na negosyante at tindero. Kaya, humanda na kayo!

Samantala, kung noon ay 2 porsiyento lamang ang mortality rate ng mga alagang baboy, ngayon ay pumalo na ito sa 6 porsiyento, ayon sa Bureau of Animal Industry.

Kaya, kasabay ng pagsusuri ng DA sa mga posibleng sakit na dahilan ng pagkamatay ng mga baboy, nananawagan tayo sa lahat na mag-ingat nang sa gayun ay hindi tayo mapahamak.

‘Ika nga, mas mainam nang maging handa kaysa mahuli ang lahat!

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page