top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

GASTOS NG PAGCOR SA SEAG AT PASILIDAD, HINIMAY-HIMAY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 21, 2019
  • 2 min read

PAGKAIN sa mesa ang mistulang dugong bumubuhay sa pamilyang Pilipino, kabilang na ang sektor ng Sports, ang buwanang tulong-pinansiyal na nagmumula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Iginiit ni PAGCOR Chairman Andrea Domingo na ang bilyong pisong kinikita ng ahensiya mula sa pinangangasiwaang Casino at lisensiyadong Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) ang siyang ginagamit na ayuda para sa pagpapagawa ng mga eskuwelahan, pagsasaayos ng mga ospital at iba pang institusyon sa bansa, higit sa lahat, pagbuhay ng mga programa ng Philippine Sports Commission (PSC) at siguruhing matutustusan ang pagsasanay at paglahok sa international competition ng mahigit 1,000 atletang Pinoy.

Lahat ng sektor na mandato naming tulungan ay napaglilingkuran namin. We’re not remiss in our duty. Nagre-remit kami sa PSC ng P159 milyon monthly. And recently, PAGCOR released P842 million to use for the rehabilitation on two major sports complex–The Rizal Memorial Sports Complex in Manila and the PhilSports Center in Pasig City, in time for the hosting of the 30th Southeast Asian Games in November,” pahayag ni Domingo sa ‘Pulong Bulungan’ ng National Press Club (NPC).

May hiwalay na budget na hindi bababa sa P200 milyon ang PSC mula sa General Appropriations (GA), ngunit ang monthly remittance ng PAGCOR ang siyang ginagamit ng PSC para punan ang monthly allowances ng mga atleta, pansuweldo sa mga foreign coaches at trainors, pambili ng equipment, gayundin ang gastusin sa pagsasanay at pagsabak sa mga kompetisyon sa abroad, tampok ang SEA Games, Asian Games at Olympics.

Sa kasalukuyan, ang atletang kabilang sa ‘elite line-up’ ay tumatanggap ng P40,000 allowances kada buwan, habang iyong mga nasa national training pool ay may ayudang hindi bababa sa P4,000 kada buwan. Iginiit din ni Domingo na mula rin sa PAGCOR ang ibinibigay na ‘cash incentives’ para sa mga atletang nagwagi ng medalya batay sa ‘Athletes Incentives Act’, kabilang ang mga para athletes batay sa naamyendahang batas ng Senado. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page