top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ayaw magpatalo kaya gumanti… ANNE, UMAMING NANLOKO NA NG LALAKI

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 21, 2019
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP

SA guesting niya sa Gandang Gabi Vice noong Linggo, sinagot ng maga­ling na aktres na si Anne Curtis ang tanong ni Vice Ganda kung naranasan na ba niyang mag-cheat.

Lakas-loob namang sinabi ng aktres na, “Noong bata ako.”

“Parang ganu’n,” ang naging sagot niya nang matanong ni Vice kung nakipag-date ba siya sa iba ha­bang nasa isang relationship.

Hindi ko malaman kung considered cheating siya noon, lalo na kung hindi na kayo, pero kayo. Kaka-break n’yo lang, so rocky, gray area kung considered cheating, kung mahal mo pa ‘yung tao… Wala [na kayo], pero ‘yung nag-uusap,” paliwanag ni Anne.

Tumangging si Anne na sagutin ang tanong ni Vice kung kilala ba nito ang guy na tinutukoy ng aktres at kung nahuli ba siya.

Ani Anne, “Siya naman naunang nag-cheat. Gumanti lang ako.”

Ayon kay Anne, never magiging tama ang pangloloko sa karelasyon.

Dahil dito, tinanong ni Vice si Anne ng hypothetical question, na paano kung magkaroon siya ng chance sa mga celebrity crushes niyang sina Park Bo Gum, Zac Efron, natawa na lang ang aktres at sinabing hindi niya kayang lokohin ang mister niyang si Erwan Heussaff.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page