top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

17-anyos, bini-video habang naliligo, lolo kulong

  • Maeng Santos
  • Aug 21, 2019
  • 1 min read

KALABOSO ang isang lolo nang mabuko ang pamboboso sa pama­magitan umano ng pagbi-video gamit ang cellphone sa nalili­gong 17-anyos na dalagitang estudyante sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Kasong Unjust Vexation in Relation to RA 7610 ang ikakaso sa suspek na si Emmanuel Lorenzo alyas Lito, 60, ng Balubaran, Malinta.

Sa ulat, alas-5:30 ng hapon, naliligo ang biktimang itinago sa pangalang ‘Norma’ sa loob ng banyo ng kanilang inuupahan sa isang compound nang mapuna ang suspek na namboboso sa bintana na may hawak na cellphone at bini-video umano ang paliligo ng dalagita.

Agad na nagbihis ang dalagita at nagsumbong sa kanyang nanay na humingi naman ng tulong sa mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at kinumpiska ang kanyang cellphone.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page