top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa taong 2020 daw, baks! BADING NA MAKIKILALA ANG MAPAPANGASAWA NA MAY ZODIAC SIGN NA SAGITTARIUS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 20, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

Ako ay bading na nag­­karoon ng mara­ming karanasan sa la­laki.

Ang malungkot dito ay walang lalaking na­na­tili sa buhay ko. Kung tutuusin, pera lang ang habol nila sa akin.

Sa ngayon, sa edad kong 45 ay nararamda­man kong tumatanda na ako at kailangan ko na ring planuhin ang aking future.

Kaya, nais kong ma­laman kung may dara­ting pa kayang lalaki na seseryoso sa akin at ma­kakasama ko nang pang­habambuhay?

October 30, 1973 ang birthday ko.

Umaasa,

Silvestre ng Sagrada, Bulan, Sorsogon

Dear Silvestre,

Upang mahigop mo ang suwerte sa larangan ng pag-ibig at pakikipag­relasyon, mula ngayon, um­pisahan mo ng mag­suot ng kulay pula, dilaw at berde nang sa gayun ay may lalaki pa ring se­seryoso sa iyo na makaka­sama mo nang pangha­bambuhay.

Mas maganda kung babaguhin mo rin ang iyong lagda. Alisin mo ang malaking bilog na ku­mukulong sa iyong pirma.

Magagawa mo ito kung hindi mo na ibaba­likwas pakaliwa ang du­long bahagi ng letrang “a” sa iyong apelyido, sa ha­lip, ang dapat na maging “last stroke” ng letrang “a” o ‘yung pinakapaa ay patuwid patungo sa di­reksiyong pakanan.

Sa ganyang lagda, wala ng malaking bilog at magulong burloloy, maa­ayos na ang buhay mo, may magkakagusto na sa iyo na okay sa alright na lalaki at seseryosohin ka hanggang sa tuluy-tuloy na kayong magsama ha­bambuhay upang bumuo ng bagama’t, hindi nor­mal, pero maligaya pa ring pamilya.

Dagdag pa rito, ikaw ay sadyang mapalad mula sa ika-18 ng Hunyo hang­gang sa ika-27 ng Hulyo, mula sa ika-18 ng Oktubre hanggang sa ika-27 ng Nobyembre at mula sa ika-18 ng Pebrero hang­gang sa ika-27 ng Marso, higit lalo sa mga petsang 3, 12, 21, 30, 9, 18, 27, 6, 15, 24, 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25.

Sa sandaling nasunod mo ang mga simpleng rekomendasyong inila­had na sa itaas, tiyak ang magaganap, kahit sabihin pang bading o bakla ka, sa taong 2020, sa edad mong 47 pataas, maka­ta­tagpo ka ng lalaking ma­kakasama mo nang pang­habambuhay na nagta­taglay ng zodiac sign na Sagittarius.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page