top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lola pinagsasaksak din | ESTUDYANTE KINATAY NG AKYAT-BAHAY

Maeng Santos
Aug 20, 2019
1 min read

DEDO ang 15-anyos na estudyante habang kritikal ang kanyang lola matapos pagsasaksakin ng dalawang magnanakaw sa Malabon City, kahapon ng madaling-araw.

Dead-on-arrival sa Os­pital ng Malabon sanhi ng tinamong saksak sa leeg at katawan si Christian Andrew Gonzales, habang ginagamot naman sa Chinese General Hospital ang kanyang lola na si Elizabeth Gonzales, 58, biyuda.

Kinilala naman ni Ma­labon Police Chief P/Col. Jessie Tamayao ang naares­tong suspek na si Angelo James Dejados, 28, ng Bgy, Longos habang pinagha­ha­nap pa ang kasabwat nito.

Ayon kina PSSg. Jose Romeo Germinal II at PSSg. Philip Cesar Apostol, alas-4:30 ng madaling- araw nang pasukin ng mga suspek ang bahay ng mga biktima sa Bgy. Longos sa pamama­gitan ng pagdaan sa bintana sa ikalawang palapag.

Tinangay ng mga suspek ang mga gadget habang nagising naman ang mga biktima nang marinig ang ingay ng mga ito.

Rito na pinagsasaksak ng mga suspek ang mga biktima bago nagsitakas.

Nakahingi ng tulong si Elizabeth sa kanilang mga ka­pitbahay na nagdala sa ka­nila sa naturang pagamutan.

Nadakip naman sa fol­low-up operation si Dejados habang narekober sa crime scene ang backpack at da­lawang kutsilyo, samanta­lang, nabawi ang mga gad­get na kinuha ng mga sus­pek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page