top of page

Iba't ibang dahilan ng pagsakit ng balakang

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 20, 2019
  • 2 min read

Dr. Shane M. Ludovice Sabi ni Doc

Dear Doc. Shane,

Ako ay 38 years old at may tatlong anak. Problema ko ang pananakit ng aking balakang. Inisip kong baka UTI ito kaya nagpa-urinalysis ako pero, wala namang problema. Anu-ano ba ang mga dahilan ng pananakit ng balakang? — Elvira

Sagot

Tulad ng iba pang pangmatagalang pananakit o chronic pain, ang pananakit ng balakang ay mas madalas maranasan ng kababaihan kaysa sa kalalakihan.

Narito ang ilan sa pangunahing dahilan ng pananakit ng balakang:

  • Arthritis, partikular ang osteoarthritis. Ito ay dulot ng wear and tear o resulta sa pagtanda ng tao. Ang ball and socket joint ay nagsisimulang masi­ra dahil sa pagtanda. Ang sakit na dulot ng arthritis ay kadalasang nara­ramdaman sa balakang dahil sa paninigas o pamamaga ng kasukasuan.

  • Pinsala sa balakang. Ang fracture o pinsala sa balakang ay mas madalas sa mga matatanda, lalo na sa mga taong may osteoporosis o ang unti-unting pagnipis ng mga materyal sa mga buto.

  • Tendinitis o bursitis. Ang mga kalamnan ay ikinokonekta ng tendons sa kasukasuan. Ang tendons ay madaling mamaga kapag nasobrahan ng gamit, lalo na kapag gumawa ng nakakapagod na aktibidad. Ang isa sa mga pangunahing sanhi ng tendinitis, lalo na sa mga atleta ay ang iliotibial band syndrome — ang iliotibial band ay makapal na tissue na papunta sa mga tuhod.

  • Hernia o luslos. Maaari itong tumubo sa bandang tagiliran ng balakang. Ito ay tinatawag na femoral o inguinal hernia, isang klase ng luslos na sanhi ng pagkakaroon ng karagdagang pressure sa tiyan. Ang luslos na ito ay mas madalas sa mga buntis. Ito ay maaari ring magdulot ng matinding pananakit sa balakang.

  • Endometriosis. Sanhi ito ng maling pag-develop ng lining ng matris. Ang sakit ay maaaring maramdaman mula sa likod hanggang sa mga binti.

Ang lunas sa pananakit ng balakang ay depende sa sanhi ng naturang pananakit.

  • Heat treatment, pahinga at over-the-counter na mga gamot para sa pamamaga.

  • Mag-stretching muna bago mag-ehersisyo.

  • Gumamit ng maayos na sapatos, lalo na kung tatakbo.

  • Iwasang manigarilyo.

  • Ugaliing uminom ng maraming tubig.

  • Siguruhing mayroong sapat na pahinga.

Gayunman, pinapayuhan pa rin ka­yong magpa­konsulta sa doktor para ma­big­yan ng mga karagdagang impor­masyon tungkol sa karamdaman.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page