FLOYD: PAC-MAY 2 SA SAUDI

SA isang hindi maipaliwanag na pangyayari, tila nagbago ang ihip ng hangin sa mga desisyon ni undefeated ‘retired’ American boxer Floyd “Money” Mayweather hinggil sa niluluto nitong laban kay 8th division world champ Manny “Pacman” Pacquiao.
Lumabas kahapon ang isang misteryosong video sa social media, kung saan hindi pa matukoy ang pinagmulan ng source, na magtutungo si Mayweather sa Saudi Arabia upang pag-usapan ang posibilidad na “rematch” kay World Boxing Association (WBA) welterweight titlist Pacman. “I wanna say thank you.
It’s an honor to come to Saudi Arabia to sit down with you, guys to talk about the Mayweather vs Pacquiao rematch. Saudi Arabia, ‘Money’ Mayweather. I’m on my way,” wika nito sa videong lumabas sa Arab News.
Umugong ulit ang ispekulasyon ng ‘rematch’ nang magpatutsadahan ang dalawa sa social media kung saan sinabi ni Mayweather na naitatag umano ang “legacy at career” ni Pacquiao dahil sa malaking tulong ng pangalan niya. “I won easily that everyone had to eat their words,” habang sinundan ito ni Pacman ng tugon na, “You come to my fight and then use my name in a post but I’m the one that is trying to stay relevant…#MayPac2.”
Tinatayang aabot sa $300 million ang kinita ni Mayweather sa panalo kay Pacquiao sa laban nilang binansagang ‘Fight of the Century’ o ‘Battle for Greatness’ sa MGM Grand Garden Arena, sa Las Vegas, Nevada noong Mayo 2, 2015.
Ngunit, noong isang linggo lang ay tinuldukan ni Sean Gibbons ang posibilidad na hindi matutuloy ang inaasam na rematch ng Fighting Senator at ng undefeated fighter mula Amerika. “I wish I could give you the answer, but the only answer is Floyd Mayweather knows, and that’s it, there is no fight, there is no possibility at the moment of the Floyd-Manny fight, Floyd said numerous times that he’s retired,” pahayag ni Gibbons sa PSA Forum. Sa kabilang banda, gaganapin ang rematch nina Andy Ruiz at Anthony Joshua sa Disyembre 7, 2019 sa Diriyah, Saudi Arabia.





Comments