Babae dedbol sa tren

DEDBOL ang isang babae matapos masalpok ng tren sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.
Inilarawan ang biktima na nasa pagitan ng 30 hanggang 40-anyos.
Batay sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima sa Interior 10, Bgy. 33, alas-5:50 ng hapon nang bigla umanong tumawid sa riles na nasapol ng tren (MDC 1744) na minamaneho ni Leo Luares, papuntang Gov. Pascual Station.
Tumilapon ang bebot na agad namang isinugod sa Caloocan City Medical Center subalit, hindi na rin umabot nang buhay sanhi ng tinamong pinsala sa katawan.





Comments