‘Ika nga, truth hurts... MGA DAHILAN KUNG BAKIT AYAW NI CRUSH SA’YO
- Ronalyn Reonico
- Aug 20, 2019
- 3 min read

ISA ka ba sa mga miyembro ng team sawi, pero still hopeful na magwawagi? Naranasan mo na bang magmahal, masaktan at hindi maka-move on?
Unfortunately, may mga tao na itinakdang maging parte ng buhay natin, pero hindi nakatadhanang maging parte hanggang sa huli, awww! Madaling sabihin, ngunit, mahirap gawin ang pagmu-move on, pero ito ang kailangan, mga besh!
Para hindi na maging mahirap ang pagmu-move on, alamin natin kung ano ang mga rason kung bakit hindi ka crush ng crush mo o hindi ka mahal ng mahal mo!
1. IPINAGPIPILITAN MO LANG ANG SARILI MO. Ito ‘yung tipong nagmumukha ka nang desperado sa kanya. Totoo man, hindi pa rin natin dapat ipahalata. Nakate-turn-off ito sa mga kalalakihan, besh! Sey ng tropa nating author na si Sabrina Alexis, ang pagiging trying hard para i-please ang pinapantasya mo ay hindi makatutulong dahil mas mahalaga pa rin ang pagiging totoo sa sarili at pagpapakita sa iba kung ano at sino ang tunay na ikaw. Okay?
2. HINDI KA NIYA TYPE. Masakit tanggapin na hindi ka type ng type mo. Gayunman, besh, mag-move on na lang para hindi ka ma-hurt. Hindi mo naman puwedeng piliting mahalin ka rin niya, ‘di ba? For sure, may mga nag-confess na rin sa atin na binasted natin dahil hindi natin type. Ganu’n lang ‘yun. Hindi porke hindi ka type ni guy, eh, may mali na sa iyo. ‘Ika nga, may mga naka-set na kasi siyang qualities ng babaeng “ideal” para sa kanya.
3. MAY IBA SIYANG GUSTO. Ito ‘yung masaklap, besh! ‘Yung kaya pala wa’ epek ang lahat ng effort mo kasi may iba na siya. Hu-hu-hu! Pero, kung ayaw mo talagang sumuko, well, tulad ng sinabi ng Elite Daily, maghintay ka lang, besh. Malay mo, umayon sa iyo ang tadhana. Hindi yata kasal ang type mo, eh, charot! At kung sakali man, darating din ang panahon na magsasawa ka rin hanggang sa maging maligaya ka sa buhay mo.
4. HINDI KAYO TALO. Ito ‘yung twist, ‘tol! Nakakatawa man, pero may mga ganito talagang senaryo. ‘Yung sobrang na-attract ka sa guy, ‘yun pala, guy din ang gusto niya! Anyways, karamihan naman talaga sa mga beks ay guwapo kung nagpakalalaki lang, ‘di ba? Sila ‘yung mga masasabing sayang! Pero, oks na rin ‘yun, at least, walang masyadong magiging heartbroken, he-he-he!
5. WALA SIYANG IDEYA NA GUSTO MO SIYA. Minsan, kailangan ding magpakita ng kaunting landi, chos! May chances kasi na wala ka lang sa kanya kasi hindi niya alam na may feelings ka para sa kanya. Sabi nga ng mga expert, magbigay ka ng kaunting hint na type mo siya, pero ‘wag mong sabihin sa kanya nang direkta, gets mo?
6. MALAYO ANG AGWAT NG EDAD. Oh, ayan, mga beshie, ang sabi nila, age is just a number, pero hindi ‘yan tinatanggap ng iba. Para sa ilang kalalakihan, ang edad ay malaking bagay para sa relationship. Karamihan kasi, preferred ‘yung mas bata sa kanila, pero hindi ‘yung sobrang bata, ha?
Maraming rason kung bakit hindi tayo gusto ng taong gusto natin. Pero, mga ‘tol, palagi nating tatandaan na ang agos ng buhay ay patuloy pa rin kahit ilang beses pa tayong makaramdam ng rejections.
Hindi nagtatapos ang istorya ng buhay sa bawat rejection na natatanggap natin dahil hindi ito ang katapusan ng buhay.
Sabi nga ng manunulat na si Stephanie Perez, mag-concentrate tayo sa mga bagay na kaya nating baguhin para ma-improve ang ating sarili.
Gets mo?




Comments