Umiihi sa pader | 2 CALL CENTER AGENTS, NIRATRAT
- Jeff Tumbado
- Aug 19, 2019
- 1 min read

DALAWANG call center agents ang pinagbabaril ng riding-in-tandem kung saan isa ang nasawi sa Iloilo.
Kinilala ang mga biktima na sina Christopher Jinon, 32, ng Bgy. Bularan, Banate at Mark Secreto Muller, 38, ng Jaro, Iloilo City.
Idineklarang dead-on-arrival sa ospital si Muller habang nasa malubhang kondisyon ang kasama nitong si Jinon.
Ayon kay Police Maj. Marlon Valencia, pinagbabaril ng angkas sa motorsiklo ang dalawa habang umiihi ang mga ito sa pader sa bahagi ng Bgy. Taft North, alas-9:00 ng gabi ng Sabado.
Narekober ng SOCO sa lugar ng pamamaril ang pitong basyo ng bala mula sa .9mm baril.
Napag-alaman sa report na si Muller ay dating illegal drug surrenderee sa kasagsagan ng Oplan Tokhang noong 2017.
Patuloy pa ang pagtukoy ng pulisya sa motibo ng krimen.





Comments