Tiniyak ng Kongreso | PHILHEALTH OFFICIALS NA KORUP, TUTULUYAN
- Mylene Alfonso
- Aug 19, 2019
- 1 min read

SINIGURONG makakasuhan ang mga opisyal ng PhilHealth na sangkot sa pagnanakaw ng bilyun-bilyong pondo ng ahensiya sa pamamagitan ng ‘fraudulent claims”.
Ayon kay Sen. Christopher ‘Bong’ Go, chairman ng Senate Committee on Health, walang puwang ang korupsiyon sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinagot din nito ang patutsada ng ilang oposisyon senators na hindi kayang parusahan ng administrasyong Duterte ang mga corrupt PhilHealth official. “Huwag silang magsalita nang tapos dahil baka mapahiya sila”.
Una rito, inamin ng mga dating opisyal ng PhilHealth na may ‘mafia’ sa loob ng kanilang tanggapan na kasabwat umano ang mga tiwaling may-ari ng ospital at medical facilities kaya naisasagawa ang pekeng claim o refund.
Lumabas din sa Senate inquiry na matagal na itong ginagawang ‘gatasan’ ng tiwaling healthcare facilities at mga korup na opisyal ng PhilHealth.





Comments