Supplier sa mga gimikan | RAPPER NA TULAK, KULONG

TIMBOG ang isang kilalang rap artist sa isinagawang drug-bust operation sa Angeles City, Pampanga, kahapon ng madaling-araw.
Sa himpilan ng Angeles City Police, kinilala ang suspek na si Arnly Dimabuyu alyas Xander Bay at Popoy Pogi, kilalang social media artist at rapper.
Nabatid kay Gil Pabilona, Central Luzon Director ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na si Dimabuyu ay siyang nagsu-supply ng iligal na droga sa mga party at club sa Angeles City.
Nasamsam mula sa posesyon ni Dimabuyu ang bultong ecstasy tablets na nagkakahalagang P16,000 at isang sachet ng marijuana.
Itinanggi naman ni Dimabuyu na gumagamit at nagbebenta siya ng iligal na droga.





Comments