top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Hipag binastos, katoma kinatay

Levi Gonzales
Aug 19, 2019
1 min read

PINAGSASAKSAK ang isang binata matapos umano nitong bastusin ang hipag ng suspek sa Quezon.

Alas-7:30 ng gabi, nag­tungo sa bahay ng kapatid ang suspek na si Richard Concha kasama ang bikti­mang si alyas Baron, 25.

Habang nag-iinuman, malisyoso umanong hina­wa­kan ng biktima ang ka­tawan ng asawa ng kapatid nito.

Nagsalita pa umano itong, “puwede ko bang ma­kainom ang asawa mo ibibili ko ng isang case na red horse at papatikim ko ng ma­sarap at ang ganda ng ka­tawan mo, malaman,” pag­tukoy umano sa 19-anyos na hipag ng suspek.

Doon na ito kumuha ng patalim saka pinagsasaksak ang biktima. Naisugod pa ito sa paga­mutan ngunit, bi­nawian din ng buhay, saman­tala, sa fol­low-up operation ng pulisya, naaresto ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page