top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Hindi gradweyt ng college at walang lisensiya, bawal maging librarian

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 19, 2019
1 min read

Dear Chief Acosta,

Nalaman ko na ang librarian sa eskuwelahan ng aking mga anak ay hindi nakapagtapos sa kolehiyo. Ayos lang ba ang ginagawang ito ng nasabing eskuwelahan? — Johnny

Dear Johnny,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na nakasasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 26 ng Republic Act (R.A.) No. 9296 o mas kilala sa tawag na The Philippine Librarianship Act of 2003 kung saan nakasaad na:

“SECTION 26. Illegal Practice of Librarianship. – A person who does not have a valid Certificate of Registration and Professional Identification Card or a temporary/special permit from the Commission shall not practice or offer to practice librarianship in the Philippines or assume any position, which involve performing the function of a libra­rian as provided under Section 5 of this Act.” (Binigyang-diin)

Malinaw sa ating batas na hindi maaaring mag-practice ng librarianship o umakto bilang librarian ang taong walang lisensiya o permit para rito at maaaring mapanagot ang sinumang gagawa nito sang-ayon sa nabanggit na batas.

Samakatwid, mali ang ginawa ng eskuwelahan ng inyong mga anak sa pag-employ o pagtanggap bilang librarian sa taong hindi nakapagtapos sa kolehiyo o walang lisensiya o permit para mag-practice ng librarianship.

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page