Breaking News : Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas umabot na sa 10.
- Bulgar Breaking News
- Aug 19, 2019
- 1 min read
Ayon sa Department of Health nadagdagan ng 4 ang naapektuhan ng coronavirus dito sa Pinas. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, isang 38-anyos Taiwanese na nag-travel sa Pinas at na-admit sa Makati Medical Center, 32-anyos Pinoy na nag-travel Japan na-admit sa St. Luke's Medical Center, Taguig City ang 86-anyos American nagtungo sa US at South Korea, na-admit naman sa Medical City sa Ortigas habang ang 57-anyos, lalaki ay walang history travel at na-admit St. Luke's Medical Center sa Quezon City.
Aniya "Lahat itong mga ospital na ito may kakayahan na pangasiwaan itong mga kaso," Ibubunyag rin ng DoH ang mga pangalan ng ospital na kung saan na-admit ang mga pasyente sa tinatawag na “combat fake news”. Nagbigay rin ito ng babala sa mga ospital sa hindi pagtanggap ng mga pasyente na may sintomas ng COVID-19.
Kahapon, Linggo. sinabi ng DoH na umabot na sa sampu ang apektado ng coronavirus at sumailalim ito sa test noong sabado at lumabas ang resulta kahapon. Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III ay nagpakita ng mild coronavirus symptoms ang apat na naapektuhan ng coronavirus.





Comments