Kalaban ng gobyerno, wala na sa bundok, nasa condo na, may gadget at WiFi pa!
- BULGAR

- Aug 18, 2019
- 1 min read
GAGAWIN daw 24-oras ang working hours.
Malaki ang tama ninyo!
◘◘◘
EPEKTIBO kapag ipinatupad ang tatlong 8-oras working hours shift sa gobyerno at pribadong kumpanya.
Maikakalat sa loob ng 24-oras ang pagkilos ng tao at biyahe ng behikulo sa Metro Manila.
Matitriple rin ang output ng mga manggagawa at ehekutibo!
◘◘◘
MAS mainam ay ipatupad na rin ang 24/7 working period.
‘Ika nga, dyinggel lang ang pahinga!
◘◘◘
MASASABAY ito sa home-based working schedule.
Maging ang mga parak ay matitriple rin ang “tara”.
Ha-ha-ha!
◘◘◘
LAGANAP pa rin ang pasugalan sa Maynila. Hindi na ‘yan puwedeng tanggalin ni Mayor Isko.
Mawawalan ng intelehensiya ang kanyang mga amuyong.
He-he-he!
◘◘◘
MAGREREKLAMO ang mga amuyong kay Mayor Isko: Boss, pinaalis mo na ang mga vendor, tatanggalin mo pa ang sugal?
Paano na ang pamilya at kabit namin?
Hi-hi-hi!
◘◘◘
NABUWAG na ang kidnap-for-ransom sa mga BIR executive.
Panibagong serye ‘yan ng patayan para maitago ang mga utak!
◘◘◘
PARURUSAHAN daw ang mga titser na manghihikayat sa mga estudyante na mag-NPA.
Huh, luma na ‘yan.
Na-solve na ‘yan noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos!
◘◘◘
LIPAS nang isyu ang pagpasok ng komunista sa mga kolehiyo at hayskul.
Anubayan?
◘◘◘
WALA nang namumundok ngayon, nasa condo na ang mga kalaban ng gobyerno.
May CP, gadget at WiFi!
◘◘◘
HINDI na uso ang pagkakadre sa bundok.
Sa social media lang, sobra-sobra na!
◘◘◘
INUULIT natin, hindi bawal sa Konstitusyon na kontrahin ang umiiral na gobyerno gamit ang alinmang ideolohiya.
Ang ipinagbabawal sa Konstitusyon ay ang marahas at madugong pagbabago sa gobyerno.
Maunawaan sana natin ito!





Comments