JONES, PINATAWAD NA SI SANTOS
- BULGAR

- Aug 18, 2019
- 1 min read

TINANGGAP na ni Terrence Jones ang paghingi ng tawad ni Arwind Santos matapos ang nagawang ‘monkey gesture’ ng Pinoy sa laro ng Game 5.
Nilapitan ni Santos si Jones sa court habang nagwa-warm up noong Game 6 ng 2019 PBA Commissioner’s Cup Finals sa Araneta Coliseum. Napahinuhod naman ang loob ni Jones sa paghingi ng sorry ni Santos. “He apologized, but it was close to game time and at that point I’m in game mode,” ani Jones. “I heard him, but I was more focused on the game at that point.”
Si Jones ang best import ng 2019 Commissioner’s Cup, tumapos ng 41 points upang pamunuan ang TNT sa Game 6, pero natalo sa San Miguel Beermen para sa kampeonato.
Napatawan ng multang P200,000 si Santos dahil sa ginawa kay Jones sa Game 5, pero ngayon ay masaya na ang lahat.
“S’yempre masayang-masaya ako. Hindi lang sa championship, pati ’yung peace of mind bago maglaro kanina,” ani Santos. “Alam naman natin ’yung issue. ‘Yung isang lesson na natutunan ko na hindi ko makakalimutan pero at the same time, parang in-accept ko siya na parang lesson sa akin ni Lord ’yun.”
Aalis ng Manila si Jones na bitbit ang magandang suporta ng fans sa kanyang paglalaro sa PBA. (ATD/MC)





Comments