Election officer, dedo sa motor

ISANG election officer ang nasawi matapos masalpok ang motorsiklo nito sa Catarman, Samar.
Nasawi habang isinusugod sa ospital ang 45-anyos na si Gerald Apelo, election officer sa bayan ng Mapanas.
Batay sa imbestigasyon ni Patrolman Ramil Pedringal, sakay si Apelo sa kanyang motorsiklo patungo sa Catarman nang masalpok ng kasalubong nitong motorsiklo sa bahagi ng national highway sa Bgy. Pambujan, alas-6:00 ng gabi ng Biyernes.
Nawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang driver ng kabilang motorsiklo at tuluyang mapadako sa linya ni Apelo na dahilan ng insidente. Patay ang naturang driver ng kabilang motorsiklo habang malubha naman ang kondisyon ng angkas nito na kapwa wala pang pagkakakilanlan.
Nabatid pa sa report na may suot na helmet si Apelo at protection gear ang katawan nito subalit, dahil sa tinamong matinding bugbog at sugat sa binti at ulo ay binawian din ito ng buhay.
Sinasabing kapwa galing ang mga biktima sa piyesta sa magkahiwalay na lugar sa nabanggit na bayan ng San Roque at Catarman.





Comments