top of page
SHEET - CLAUDINE, NAPIKON NA TINAWAG NA BIPOLAR, MAGDEDEMANDA_FB Claudine Barretto.jpeg

Nilagnat, mga magulang walang pampaospital | BEYBI, INILIBING NANG BUHAY

V. Reyes
Aug 17, 2019
1 min read

KASONG parricide ang kinahaharap ng mag-live-in partner sa Cagayan de Oro City, matapos na umano’y ilibing nang buhay ang kani­lang anak.

Kinilala ang mga suspek na sina Bonifacio En­dieres at Marilou Quibol, pansa­mantalang nanini­rahan sa Sitio Pasil, Bgy. Kauswagan.

Ayon kay Police Major Ian Borinaga, lumabas sa ka­nilang inisyal na imbestigas­yon na namatay ang 9-bu­wang sanggol noong Hulyo 18, matapos lagnatin.

Sa gitna ng napakataas na lagnat ay hindi na umano naisugod ng mag-asawa ang kanilang anak dahil sa kawa­lan ng pera.

Nang inakalang namatay na ay agad umanong inili­bing ng dalawa ang beybi sa likod ng kanilang inuupa­hang bahay.

Huwebes ng umaga nang mahukay ng pulisya ang bangkay ng sanggol ma­tapos isumbong ng mga re­sidente sa lugar. Naniniwala umano ang ilang residente na maa­aring bu­hay pa ang bata nang ili­­bing dahil hindi ito naisugod sa ospital para opisyal na maideklarang patay.

Patuloy na ang imbesti­gasyon sa kaso kasunod din ng natanggap na impormas­yon na sinasaktan umano ng lalaki ang kanyang anak kaya ito nag­kasakit.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page