top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Agosto 17, 2019 (Sabado)

  • Maestro Honorio Ong
  • Aug 17, 2019
  • 2 min read

Bulgar Horoscope

SA MAY KAARAWAN NGAYONG AGOSTO 17, 2019 (Sabado): Ma­layo ang iyong marara­ting, ibig sabihin, magi­ging matagumpay ang iyong buhay. Ito ay gina­garantiyahan ng araw na ito ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muling iiral ang iyong ma­yamang ima­hinasyon. Maganda ito para sa pagpapalago ng kabuhayan, pero iwasan mong mag-isip ng mga negatibong pananaw. Ma­suwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-17-20-25-36.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ituloy mo at huwag kang aatras sa ipinangako mo sa iyong sarili. Aalalayan ka ng langit para matupad ang lahat ng iyong mga pa­ngarap sa buhay. Masu­wer­teng kulay-black. Tips sa lotto-8-10-14-20-24-35.

GEMINI (May 21- June 20) - Makikitang kung anu-ano ang laman ng isip mo. Ibasura mo ang mga bagay na alam mong walang kauuwiang magan­da, kumbaga, huwag kang makipagsapalaran sa wa­lang kuwentang mga bagay. Masuwerteng kulay-vio­let. Tips sa lotto-7-11-15-24-30-40.

CANCER (June 21- July 22) - Nagbaba­bala ang araw na ito na dara­yain mo ang iyong sarili sa mga ideya na imposible namang magkatotoo. Bu­malik ka sa reyalidad nang sa gayun ay muli kang lu­makad sa tamang daan. Ma­suwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-12-28-30-33-38-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Tu­tok ang kaila­ngan mo sa gus­to mong mang­yari. Hindi maganda kung magbabago ka ng plano. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-25-27-34-37-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bakit tinata­kot mo ang iyong sarili? Ang da­pat mong takutin ay ang iyong mga karibal at ka­kum­pitensiya nang sa ga­nu'n ay maiwanan mo sila nang milya-milya. Ma­su­wer­teng kulay-brown. Tips sa lotto-4-17-22-28-31-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Magpalit ka ng pormula ng tagumpay, ang piliin mo ay ‘yung pa­raan na madadalian ka. Hindi puwede sa iyo ang mahihirap na paraan. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran. Masuwerteng ku­lay-white. Tips sa lotto-16-19-20-28-39-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dagdagan mo ang ku­lang, para mas ma­rami kang kitain. Huwag kang mag-alala, ang pag­da­ragdag ay nagpapabilis sa pagpapayaman. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-25-30-33-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang maniwala sa kahit na sino. Isa lang ang paniwalaan at pagkatiwalaan mo, wa­lang iba kundi ang iyong sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-19-22-28-41-45.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makiki­tang nagku­ku­lang ka sa ta­pang at ang nangingiba­baw sa iyo ay takot at pa­ngamba. Balikan mo ang iyong nakaraan kung ka­ilan tinalo mo ang mga pagsubok sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-pur­ple. Tips sa lotto-9-16-18-26-34-36.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makiki­tang lumili­pad ang isip mo. Nagbababala ito na maaari kang maligaw, ibig sabihin, nasa tama ka, pero puwede kang magka­mali. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-19-20-25-30-32.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masuwerte ka ngayon, pero may kondis­yon na nagsasabing, ma­ki­pagsapalaran ka kahit hindi mo alam ang magi­ging resulta. Ito ang men­sahe ng iyong kapalaran ngayong araw na ito. Ma­suwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-17-24-39-40-46.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page