Chairman tinodas ng 3 armado
Pabs Hernandez III
Aug 17, 2019
1 min read
LEYTE—Isang barangay chairman ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng tatlong hindi kilalang armadong lalaki kamakalawa sa Bgy. San Antonio, Hilongos.
Nakilala ang biktima na si Chairman Virgilio Lucyas, nakatira sa nabanggit na barangay.
Nabatid na habang nangingisda si Lucyas ay biglang sumulpot ang mga suspek at agad pinagbabaril ang biktima sa hindi pa malamang dahilan.
Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.





Comments