top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Baha at madilim na daan, tagumpay ang hatid sa nanaginip

Writer: BULGAR
BULGAR
Aug 17, 2019
1 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Jeane ng Jeane_ Hari@facebook.com

Dear Professor,

Hindi ko nagustuhan ang panaginip ko kagabi, pero hindi na ito nawala sa isip ko.

Umalis ako sa bahay at pag-uwi ko ay bahang-baha na ‘yung kalsadang dinaraanan ko. Nakaramdam ako ng takot kasi sobrang dilim ng kalye, pero nilabanan ko ‘yung takot dahil iniisip ko ‘yung dalawang anak ko. Sa awa ng Diyos, nakauwi ako nang maayos.

Ang ipinagtataka ko lang, bakit pagdating ko sa amin ay wala namang baha, nagulat pa ako dahil marami nang bumili sa aming tindahan, eh, sa totoong buhay ay mahina ‘yung tindahan namin. Natuwa ako dahil kahit sa panaginip ay maraming bumibili sa amin.

Ano kaya ang ibig sa sabihin nito?

Maraming salamat!

Naghihintay,

Jeane

Sa iyo Jeane,

Walang may gusto sa madilim at bahang daanan, gayun­din, sa masikip, matinik, mahirap pang lakaran at maraming naka­katakot na mga hadlang.

Marami naman ang magkakagusto sa daang masarap lakaran, madaling humakbang at walang mga hadlang.

Kaya lang, ang sabi ni Lord Jesus Christ, ‘yung una ang tamang daan at ang huli ay ang maling daan. Sa unang daan, dadalhin ang tao sa tunay na kaligayahan at kaligtasan habang ang ikalawang daan ay ang magdadala sa tao sa kapahamakan.

Saan ka pa? Eh, ‘di sa una! Pero, hindi ito ang nakikita na­tin sa mga tao dahil ang gusto ng mga tao ay ang mabilisan at walang kahirap-hirap na paraan ng pagpapayaman.

Sabi ng panaginip mo, piliin mo ang daan kung saan ikaw ay mahihirapan dahil sa dulo ng iyong mga paghihirap, naroroon ang wagas na kaligayahan sa buhay.

Hanggang sa muli,

Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page