Umiwas sa aso | RIDER LASOG SA TRUCK

PATAY ang isang rider matapos sumalpok sa trak sa Maharlika Highway, Bgy. San Pedro, Sto. Tomas, Batangas.
Kinilala ang nasawi na si Alfred Reyes, may asawa, ng Bgy. Sta. Ana.
Pasado alas-6:00 ng gabi, sakay ito ng kanyang motorsiklo nang iwasan ang asong nasa gitna ng daan kung saan hindi nito napansin ang kasalubong na 10-wheeler truck.
Sumalpok ito hanggang sa pumailaim saka nagulungan pa na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Sumuko naman ang driver ng trak na si Sally Mar Junez na sinampahan na ng kaukulang kaso.





Comments