top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Sogie equality bill, kasado na

  • Mylene Alfonso
  • Aug 16, 2019
  • 1 min read

SUPORTADO ang isi­nusulong na batas na Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SO­GIE) Equality Bill sa Kongreso.

Ayon kay Sen. Christo­pher Lawrence ‘Bong’ Go, bago pa man umapela si Sen. Risa Hontiveros sa kan­yang mga kapwa senador na tu­lungan siyang maipasa ang SOGIE Equality Bill ay ma­tagal na niyang suportado ang LGBT community.

Aniya, lahat tayo ay pan­tay-pantay anuman ang ka­sarian, kaya hindi nito na­gustuhan ang naging asal ng janitress sa isang mall sa Que­zon City kung saan hin­di nito pinayagang gumamit ng pambabaeng comfort room ang transwoman na si Gretchen Diez.

Sa ginawang manifes­tation of support ni Go, si­nabi nito na nilapitan siya nina Sen. Hontiveros at Rep. Geraldine Roman at hiniling ang kanyang tulong para maipasa ang naturang panukala. Tiniyak din ni Go, na su­suporta siya sa panukalang batas at sinabing sa kanilang lugar sa Davao ay matagal nang umiiral ang ordinansang nagbibigay at nagbabantay ng pantay na karapatan sa LGBT community.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page